Abante Tonite Interactive

Duterte ‘di ipipilit ang pederalismo

By
10

Kung hindi umano sasang-ayunan ng nakakarami ay hindi ipagpipilitan ni Pangulong Rod­rigo Duterte ang federal set-up ng gobyerno.

“Now, let me remind you again. Per my observation: we cannot have a peaceful country as – you know, if you do not agree to a federal set-up. Ako, a­yaw ko. Ayaw kong magpilit ng tao. Para sa akin, good. Kung ayaw mo, ‘di ‘wag – I am just a Filipino. For as long as you do not bother me, fine,” pahayag ni Pa­ngulong Duterte sa inagurasyon ng mega rehab sa Nueva Ecija kahapon.

Ang problema aniya ay nasa Mindanao mismo at ang mga mamamayang Moro ay hindi naman papayag na hindi mangyari ito.

“Remember that the Moro was ahead of us by almost a thousand years because they are the ­natives there when the Spaniards and the Ame­ricans were there to conquer the island.

So if I may correctly describe it, actually, it’s the Moro nationalism that’s at work. Iyong pagka-Moro nila na ninakaw nu’ng karamihan ng mga Kristiyanos ‘yung lupa nila, the choices the – really stay there. Lahat ng magagan­da belongs to the Christians.

Kaya may rason eh. But if you do not compromise here… That’s the barest minimum that we are asking,” ani Duterte.