Abante Tonite Interactive

Duterte ‘di maalis ang pagmumura

0 305

Aminado si Pangulong Dutere na ang kanyang istilo nang paggamit ng malapusaling mga salita sa kanyang mga public address ay magpapatuloy hanggang sa huling araw ng kanyang termino.

“Ako, masama ang bungaga ko talaga. Nagpa-pu** ina ako nationwide. Kung galit ako ganun,” sabi pa ng Pangulo nang tanungin kung paano nito ilalarawan ang kanyang liderato sa panayam na ginawa ng CNN Philippines.

Aniya nakasanayan na niya ito at bahagi na ng kanyang pagkatao.

“I will not change my.. ano ko na ito eh. My whole being. It’s not just may ugali. It’s not just my perchant tp use cuss words. Ano ko na ito, part of my being. So I will not..,” dagdag pa ng Presidente.

Magugunita na tinawag na ‘son of a bitch’ ni Duterte si Pope Francis dahil nagpatrapik ito sa kanyang pagbisita sa bansa noong 2015.

Minura din niya noon si dating US President Barack Obama dahil sa pagpuna nito sa human rights violation ng Duterte administration kaugnay ng drug war. (Prince Golez)