Abante Tonite Interactive

Duterte `di na magpa-COVID test uli – Palasyo

416

Hindi na kinakailangan pang sumailalim sa pangalang coronavirus test si Pangulong Rodrigo Duterte, ayon sa inilabas na pahayag ng Malacañang sa mga mamamahayag nitong Lunes.

Ipinahayag ito ng Palasyo matapos magpositibo sa COVID-19 si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi naman nagkaroon ng close contact sina Pangulong Duterte at Año bago ang Marso 26 kung kailan na-expose ang kalihim sa apat na taong infected ng coronavirus,

Matatandaang mismong si Año ang naglabas ng pahayag sa publiko na kinumpirmang nagpositibo siya sa COVID-19.

“[Duterte] remains fit and healthy. No need for a (second) (coronavirus) test,” ayon kay Panelo.

“He does not have any symptoms of colds, cough, fever, sore throat or shortness of breath,” dagdag ng kalihim.

Noong Marso 12 nang magpa-test ang Pangulo para sa coronavirus at lumabas na negatibo ito sa naturang sakit. (Prince Golez)

Tonite – Wendys Inhouse Ad