Duterte ‘di na pinatutulog ni Bikoy — Trillanes

800

Naniniwala si Senador Antonio ‘Sonny’ Trillanes IV na kung totoo ang mga akusasyon ni Bikoy ay nahihirapan na nga­yong matulog si Pangulong Rodrigo Duterte sa nerbyos.

“Kung totoo ‘yung Bikoy allegations, ma­tinding nerbyos na ang inaabot ni Duterte. Believe me, baka ‘di na makatulog nang maayos ‘yan,” saad ni Trillanes sa panayam ng DWIZ.

Reaksyon ito ng senador makaraang masakote ng National Bureau of Investigation si Rodel Jayme, ang sinasabing creator of metrobalita.net na naglabas ng ‘Bikoy’ videos.

Laman ng videos ang mga alegasyon na nag-uugnay kay Presidential son Polong Duterte, dating Special Assistant to the President ‘Bong’ Go; at presidential daughter, Kitty sa operasyon ng droga.

Batay aniya sa reaksyon ng Malakanyang sa mga alegasyon ni Bikoy, lumalakas ang hinala ng senador na may katotohanan ang mga bintang. (Dang Samson-Garcia)

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...