Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte `di naligalig sa ICC

0 80

Ipinagkibit-balikat lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hirit na judicial authorization ni International Criminal Court (ICC) prosecutor Fatou Bensouda para imbestigahan ang diumano’y mga extrajudicial killing sa bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nabasa na ng Pangulo ang 52 pahinang opinyon ni Bensouda at hindi siya naligalig dahil ang mga source umano ay mga newspaper report na maikokonsiderang hearsay lang.

“You know he shrugged off. The opinion after checking the sources, media sources. All lawyers know, that will not stand in court,” sabi ni Roque.

Sinabi ng kalihim na matapos makita ng Pangulo ang posisyon ng ICC prosecutor ay medyo napayapa aniya sila dahil ang mga pinagbasehan ay mga balita sa pahayagan na kilalang kontra sa gobyerno.

Sinabi pa ni Roque na hahayaan ng Palasyo na gawin ng Department of Justice (DOJ) ang trabaho nito at tingnan ang mga record hinggil sa mga napatay sa anti-illegal drug campaign ng gobyerno. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.