Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte `di pa kailangan sa Senado – Drilon

0 58

Wala pa nakikitang dahilan para imbitahan si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdinig ng Senado kaugnay sa pagbili ng gobyerno ng diumano’y overpriced na medical supply laban sa COVID-19.

Ito ang sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon nang tunungin kung kailangan pang imbitahan ang Pangulo matapos nitong depensahan ang Pharmally Pharmaceutical Corporation na kinukuwestiyon bilang supplier ng pamahalaan.

“Sa ngayon, wala naman akong nakikitang dahilan na magbigay ng invitation sa Pangulo. Wala pa akong nakikitang sapat na dahilan,” sabi ni Drilon.

Nauna nang dinipensahan ni Pangulong Duterte si dating presidential economic adviser Michael Yang hinggil sa diumano’y koneksiyon nito sa Pharmally.

Samantala, magpapatuloy sa Lunes, Setyembre 13, ang ikaanim na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.

Noong Biyernes, pinaaresto ng Senado sina Yang at Pharmally Pharmaceuticals executive Linconn Ong dahil sa pag-iwas sa pagsagot sa mga tanong tungkol sa pagbili ng gobyerno sa diumano’y overpriced na personal protective equipment, face mask at face shield sa kasagsagan ng pandemya. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.