Abante Tonite Interactive

Duterte ‘di raw benggador

By
9

Pinabulaanan ng Malacañang na mapag­higanti o ‘benggador’ si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga bumabatikos at kumakalaban sa kanya.

Sa harap na rin ito ng plano ng Pangulo na paimbestigahan si Overall Deputy Ombudsman Arthur Carandang dahil sa isyu ng umano’y yaman ng kanyang pamil­ya na binubusisi ng Ombudsman.

Sinabi kahapon ni Presidential spokesman Ernesto Abella, pananaw lamang ng ibang tao ang sinasabing pagiging mapaghiganti ng Presidente dahil sa estilo ng mabigat nitong pananalita.

Pero sinabi ni Abella na tao lamang si Pangulong Duterte na minsan ay emosyonal pero kumikilala naman ito sa batas.

“Vindictiveness is a perception. You know he may have strong words, he may sound emotional regarding these certain matters. He is a human being with full range of emotions but however you have to credit him he goes back to the law,” ani Abella.

Nilinaw din ng ta­gapagsalita ng Palasyo na hindi pagbabanta kay Carandang ang ginawa ng Presidente nang sabihing magdasal na ito dahil ito ang uunahin kapag nagkagulo sa bansa.