Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte dineklara araw ng mga siklista

0 290

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang proklamasyon na dinideklara ang ika-apat na Linggo ng Nobyembre kada taon bilang “National Bicycle Day”.

Sa kanyang Proclamation No. 1052 na may petsang Nobyembre 18, inatasan ng Pangulo ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) para pangunahan ang pag-obserba at pagdiriwang sa nasabing araw ng mga biker.

Hinimok din ng Pangulo lahat ng mga ahensya ng gobyerno, state university at college, at mga pamahalaang lokal na aktibong lumahok at suportahan ang DENR sa implementasyon ng proklamasyon.

Sabi ng Pangulo, kailangang mabigyan ng pagpapahalaga ang mga non-motorized transportation na malaking tulong para sa sinusulong na environmental health gayundin sa kalusugan ng bawat Pilipino.(Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.