Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte dismayado sa Negros patayan

0 287

Dismayado si Pangulong Rodrigo Duterte sa ulat ng mga patayan sa Negros Oriental.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos ang pagdalo ng Pangulo sa Regional Peace and Order Council sa Region 7 na ginanap sa Dumaguete City nitong Lunes.

Sinabi aniya ng Pangulo na iimbestigahan, lilitisin at paparusahan ang mga nasa likod ng patayan ng mga inosenteng mamamayan.

SM food to go Banner Ad

“Nagparating ng mensahe ang ating Presidente that he is “appalled” sa mga patayan na nangyayari sa Negros Oriental. Ang sabi ng Presidente ay he will be completely neutral pero gagampanan ng estado ang kanyang obligasyon na imbestigahan, litisin at parusahan ang mga taong pumapatay sa Negros Oriental,” ani Roque.

Matatandaang noong 2020 ay sunod-sunod ang pagpatay sa Negros at kabilang sa mga biktima ay isang doktor at dalawang kasamahan na umano’y red -tagged ng mga awtoridad. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.