Abante Tonite Interactive

Duterte dumalaw sa burol ni ex-General Villaroman

450

Personal na nakiramay si Pangulong Rodrigo Duterte sa pa­milya ng dating security at anti-terrorism consultant nito na si retired Police General Francisco Villaroman sa Davao City.

Dinalaw ng Pangulo, kasama si Senador Bong Go ang burol ni Villaroman noong Biyernes nang gabi sa Davao Cosmopolitan Memorial Chapel pagkatapos ng isang dinaluhang aktibidad.

Bago magretiro sa serbisyo, naging PNP regional director si Villaroman sa Cagayan Valley at naging hepe ng Manila Police District.

Huling puwesto ni Villaroman bago nagretiro ay bilang hepe ng Davao City Public Safety and Command Center mula 2013 hanggang 2016.

Pumanaw ang da­ting heneral dahil sa colon cancer sa edad na 64.

Nagsilbi siya bilang ng security at anti-terrorism consultant noong alkalde pa ng Davao City si Pangulong Duterte. (Aileen Taliping)