Abante Tonite Interactive

Duterte, economic managers dedma sa OPH

77

Kinuwestiyon ng isang mambabatas sa Kamara ang pananahimik ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo na lalong nagpapahirap sa taumbayan.

Ayon kay Anakpawis party-list Rep. Ariel Casi­lao, nakakabingi ang katahimikan ni Duterte at kanyang economic managers­ sa oil price hikes kaya nagpipista ang mga oil companies habang ang mga consumers ay nahihirapan.

Ayon kay Casilao, mula Enero hanggang Agosto, taong kasalukuyan ay umaabot sa P6.60 ang ipinatupad na price hike sa gas subalit P5.95 lang ang ini-rollback ng mga kumpanya ng langis­ kaya kumabig ang mga ito ng 64 sentimo sa bawat litro.

Abante Hiring – IT dep

Umaabot naman sa 70 sentimos bawat litro ang kinabig ng mga kumpanya ng langis sa diesel dahil sa loob ng walong buwan ay nagtaas ang mga ito ng P7.20 kada litro subalit P6.50 lang ang ang kanilang ini-rollback.