Abante Tonite Interactive

Duterte, gabinete full force sa kasal ni Koko

By
698

Isa si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pa­nauhing pandangal sa kasal nina Senador Aquilino ‘Koko’ Pimentel at Cathryna De Guzman Yu kahapon ng hapon.

Ang Pangulo ang isa sa mga ninong sa kasal ng senador na ginanap sa Coconut Palace Hotel sa Pasay City. Dumalo rin sa kasalan ang mga miyembro ng gabinete ng Pangulo gayundin ang mga congressman at ­senador.

Bago nagtungo sa kasal ay dumalo muna si Pangulong Duterte sa isa nitong aktibidad sa Manila Hotel at ipinagpauna nito sa kanyang talum­pati na mayroon pa siyang ibang mga aktibidad.

“One of those events will be the marriage of Koko ­Pimentel. He will be happy again,” ang pabirong ­pahayag ng Pangulo.

Idinaan ng Pangulo sa biro ang pahayag na may ­da­lawang asawa si Sen. Koko gaya niya na umani ng tawanan.

Matatandaang ito ang ikalawang kasal ng senador, ang una ay mula sa dating beauty queen, pero ­annuled na ang kanilang kasal.