Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte gagamit ng militar sa 2022 eleksiyon

0 189

Hindi mangingimi si Pangulong Rodrigo Duterte na gamitin ang puwersa ng militar para masiguro ang maayos at mapayapang eleksiyon at matiyak ang kaligtasan ng mamamayan sa 2022 elections.

Ito ang inihayag ng Pangulo sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng Sultan Kudarat Hospital sa Isulan, Suptan Kudarat kahapon.

Sa kanyang talumpati, umapela ang Presidente sa mga lider politiko na sundin ang rule of law at iwasan ang karahasan.

Kapag hindi aniya susunod ang ibang mga politiko ay mapipilitan itong gamitin ang puwer­sa ng militar para masiguro ang kaligtasan ng mamamayan.

“Pass this message to everybody, Im pleading almost praying that people will really stick to the rule of law and avoid violence. Kasi ‘pag hindi, unahan ko na kayo, then I will be forced to use the might or the military. Not for any purpose but to see to it that the election is peace and violence free. ‘Yan ang hingi ko, not only here but all places in the Philippines, lahat,” anang Pangulo.

“Ganon ang message ko, either we have an election that is free of I will use the military to see that the election is free.The military is the guardian of our county. And I could call them anytime to see to it that people are protected and elections freely, orderly exercise,” dagdag pa ng Pangulo. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.