Abante Tonite Interactive

Duterte gustong makitang normal ang buhay ng mga Maranao

By
958

Kumambiyo si Presi­dential Spokesman ­Harry Roque matapos sabihin noong Martes na pupunta sila ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa Marawi City.

Ayon kay Roque, mas nais ng Pangulo na sa susunod na pagdalaw nito sa Marawi City ay makikitang balik na sa normal ang buhay ng mga Maranao.

Kaya lang aniya gagawin ang press briefing sa Marawi City nga­yong Huwebes ay para i-summarize ang mga ginagawang hakbang ng gobyerno kaugnay sa rehabilitasyon ng lungsod.

Samantala, sinabi ni Special Assistant to the President Bong Go na walang dapat na ipagdiwang sa unang taon ng Marawi Siege dahil naging daan ito ng dusa at sakripisyo ng mamamayan ng Marawi City matapos na hindi magpakita si Pa­ngulong Duterte sa lungsod sa unang taon nito.

Ayon sa kalihim, mas nanaisin ni Pangulong Duterte na dumalo sa liberasyon ng Marawi City sa Oktubre matapos mabawi ng mga tropa ng gobyerno ang lungsod mula sa kamay ng Maute-ISIS group.

“The start of the Marawi siege is something that is not worth celebrating. And for being such, the President is not keen on visiting Marawi a year after it was desecrated by members of the ISIS-Maute group. The President and I, however, prefer to join the people of Marawi City during the celebration of its liberation. Mas nanaisin ng Pangulo na sa muling pagdalaw niya sa Marawi ay makikita nang balik na sa normal ang pamumuhay ng mga Maranao,” ayon sa opis­yal.