Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte hahatulan e-sabong

0 72

Kumpleto na ang isinagawang pag-aaral ng Department of the Interior and Local Government (DILG) tungkol sa masamang epekto na dulot ng e-sabong sa bansa.

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa lalawigan ng Pampanga kahapon na ihahayag niya sa darating na Lunes kung ipapatigil na ang e-sabong operation sa buong bansa dahil na rin sa perwisyong dulot nito sa mga nalululong sa naturang online sugal.

“I tasked [Sec. Eduardo Año] to make a serious study of the e-sabong. The recommendation is on my table now. So, babasahin ko and maybe by Monday malaman natin kung ituloy natin o hindi,” ayon kay Pangulong Duterte.

SM food to go Banner Ad

Kasabay nito ay nagpahayag ng pagkadismaya ang Pangulo dahil sa mga indibiduwal na nalulong na aniya sa e-sabong at humantong na sa pagsasangla o pagbebenta ng mga gamit sa kanilang bahay para lamang matustusan ang pagsusugal.

“There is apparently a social problem evolving sa pagpapatakbo nitong e-sabong. So, we have a problem there, and we want to be fair to everybody. We must study seriously and take into consideration yung social issues,” sabi ng Pangulo.

“Ang mga tawo, lahat, nagsusugal na pati mga bata. ‘Yong iba nagsasanla na ng propyedad. Sabi ko, I don’t know if this is true. So, sabi ko kay Sec Año, pag aralan mo,” dagdag pa ni Pangulong Duterte. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.