Abante Tonite Interactive

Duterte, Halimah palalakasin pa relasyon ng ‘Pinas, Singapore

0 212

Walong kasunduan ang nilagdaan noong Lunes sa pagitan ng Pilipinas at Singapore sa pagsisimula ng apat na araw ng state visit ni President Halimah Yacob.

Si Halimah ang unang babaeng presidente ng Singapore.

Nagkita sila ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang noong Lunes kasama ang kanyang delegasyon kung saan pinag-usapan ng dala­wang lider ang pagpapaunlad pa sa bilateral relations ng Pilipinas at Singapore.

Kabilang sa mga nilagdaang kasunduan ay ang mga sumusunod:

*Pagtutulungan sa larangan ng edukasyon partikular sa STEM (Science, Technology, Engineering at Mathematics);
*Kooperasyon sa agrikultura;
*Technical education at skills development;
*Pagpapalitan ng kaalaman hinggil sa water masterplanning and management;
*Cultural cooperation;
*Pagtutulungan sa implementas­yon ng mga proyekto sa ilalim ng Public-Private Partnership;
*Kooperasyon sa personal data protection.

Inilarawan ni Halimah ang Phi­lippine-Singapore economic ties na ‘malakas at masigla’ at naniniwala ito na maaari pang mapalakas ang ugnayan sa negosyo at kalakalan ng dalawang bansa.

“We will forge ahead and bring our ties to even greater heights of purposive cooperation and friendship between the Philippines and Singapore,” pahayag naman ni Pa­ngulong Duterte. (Prince Golez)