Abante Tonite Interactive

Duterte handa sa 24 oras usapan sa mga lider ng Mindanao

By
995

Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na maglalaan ng isang araw para makaharap ang mga lider sa Mindanao at pag-usapan kung paano ipatupad ang Bangsamoro Basic Law (BBL) sa sandaling mapagtibay ito ng Kongreso.

Sinabi ng Pangulo na nais niyang mabatid kung papayag ang lider ng iba’t ibang tribo sa Mindanao na isa na lamang ang mamuno o kung magkakanya-kanya sa pangangasiwa sa kanilang lugar.

Sinabi ni Pangulong Duterte na gusto niyang may matapos hanggang sa katapusan ng taon at ayaw niyang magtalaga ng mga komite para dito.

“While the BBL is being processed in Congress, pagdating ng panahon, who heads what? Magkanya-kanya ba o puwede bang isang ilagay mo sa isang governing authority and who would it be?

Yung Kagan, the Sama, Yakan, Tausog, would it also be good? Whether we do it by the regions of the tribe or iba na dito and a separate of governing authority. I have to fathom it,” anang Pangulo.

Sinabi pa ng Presidente na kapag nakausap na niya ang iba’t ibang li­der at nagkasundo ay saka niya kakausapin sina Moro National Liberation Front founding Chairman Nur Misuari at Moro Islamic Liberation Front Chairman Al Haj Murad.

“So ang sa akin ay we have to talk. Talk and talk until we find solution. I cannot give you a timeline because busy ako. But next week, I will expect you the whole day para mag-usap tayo. Isang araw talaga yan, isang araw. Then hopefully by the — at the end of the day, we should come up with something very solid,” dagdag pa ng Pangulo.

Kumpiyansa ang Pangulo na makakalusot ang BBL dahil nangako ng suporta ang mga kaalyado nito sa kamara at senado para maipasa ito.