Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte hayaang dumiskarte sa VFA – Malacañang

0 47

Inupakan ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ang mga kritiko sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailangang magbayad ang Amerika kung nais nitong manatili ang Visiting Forces Agreement (VFA).

Sinabi ni Panelo sa kanyang tv program nitong Linggo na may karapatang magsalita ang mga kritiko ng Pangulo subalit lalabas naman na hindi nagkakaisa ang mga Pilipino sa isyu ng VFA.

Binigyang-diin ni Panelo na ang Pangulo ang `chief architect’ ng foreign policy ng bansa batay sa mandato ng Saligang Batas at may karapatan siyang pumasok sa mga kasunduan kung sa tingin niya’y makabubuti ito, bago iakyat sa Kongreso para sa ratipikasyon.

“Pero during the time na nakikipag-negotiate siya e, prudence and common sense require na `yong mga nandiyan sa Senado o `yong nandito sa gobyerno ay sumuporta muna kayo kasi nga `yong Presidente dumidiskarte, manuevering nga e,” sabi ni Panelo.

“Huwag n’yo muna guluhin, huwag n’yo muna siraan. Kasi nga `pag ginagawa po ninyo `yon, siyempre nakakarating dahil ina-announce mo,” diin pa nito.

Giit pa ni Panelo na ang gusto ni Pangulong Duterte ay tratuhin tayo ng maayos ng Amerika.

Maliit lamang aniya ang military aid na binibigay ng Amerika sa Pilipinas kumpara sa ibang bansa sa Asya.

“Ang gusto ni Presidente tratuhin tayo ng equal. Tratuhin tayo fairly, pareho ng pagtrato niya dun sa mga ibang bansa na ginagamit ang kanilang mga lugar at binbayaran nila ng wasto. Tayo ang binibigay sa atin, tira,” sabi pa ni Panelo. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.