Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte hindi bawal tumakbong VP – DOJ

0 94

Ipinahayag ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra nitong Biyernes na walang ligal na hadlang sa ilalim ng Saligang Batas laban sa posibleng pagtakbo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagka-vice president.

Ayon kay Guevarra, ang ipinagbabawal ng Konstitusyon ay ang reelection sa parehong puwesto.

“From a strictly legal point of view, the Constitution does not prohibit an incumbent elected president from running for vice president in a subsequent election,” sabi ng kalihim.

SM food to go Banner Ad

Nauna nang inihayag ni Pangulong Duterte na nais na niyang magretiro pagkatapos manungkulan sa Palasyo.

Subalit kailan lang ay biglang inihayag nito na bukas siya sa pagtakbong vice president. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.