Abante Tonite Interactive

Duterte hindi kumbinsido sa kuwento ng anak

11

Mistulang hindi kinagat ni Davao City ­Mayor Rodrigo Duterte ang rebelasyon ng kanyang anak na si Sara Duterte na biktima ito ng panggagahasa.

Sa social media account nito, sinabi ni Sara na “Not a joke. I am a rape victim but I will still vote for President Rodrigo Duterte,” na sinundan ng “Day 14. Finally said it. Good morning.”

Pinaniniwalaang gina­wa ni Sara ang pahayag upang mapigilan ang galit ng publiko sa kanyang ama, dahil sa pagbibiro nitong “dapat nauna ang ­Mayor sa pila” sa pangga­gahasa sa Australyanang ­misyonaryong si Jacqueline Hamil.

Diretso namang sinabi ni Duterte na hindi siya naniniwala sa sinasabi ng anak na si Sara.
Imposible daw na mangyari ito dahil may baril si Sara. “She can’t be raped; she carries a gun,” sabi ng mayor.

Sa kanyang talumpati sa University of Visayas ay sinabi pa ni Duterte na “drama queen” ang kanyang anak kaya’t nasabi niya ang ganoong bagay.

Tu­mang­gi ring humingi ng sorry si Duterte sa mga salitang binitiwan niya tungkol kay Hamil. (Aries Cano)