Abante Tonite Interactive

Duterte hindi magmamakaawa sa e-power

0 196

Hindi magmamakaawa si Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso upang bigyan siya ng emergency prower para maresolba ang matinding problema sa traffic sa Metro Manila, partikular sa Epifanio delos Santos Avenue (EDSA).

Sa harap na rin ito ng patuloy na pagmamatigas ng mga mambabatas partikular ang ilang senador dahil sa pangambang sa iba mapunta ang pondong ilalaan para dito.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nagsalita na ang Presidente na hahayaan niyang mabulok ang EDSA sa traffic at hindi ito maninikluhod sa mga senador para lamang bigyan siya ng emergency power.

“He will not go down his knees and plead. They should know what the President needs in order to solve the problems of the country specifically with respect to this matter,” ani Panelo.

Noon pa man aniya ay gusto ng Pangulo na malutas ang problema sa traffic subalit nagsalita aniya si Senadora Grace Poe ng pag-aalinlangan kaya hinayaan na lamang ito ng Presidente.

“Well, I think the position of the President remains; from the very start he wanted emergency power to solve the traffic problem/mess but when some senators issued statements against it and insinuated that there might be some abuse of power – he said, ‘O sige, ‘di kayo na lang’ at the EDSA rot,” dagdag pa ni Panelo.

Hindi aniya kaila sa mga senador ang problema sa trapiko sa Metro Manila gaya na lamang ng isang pasyente na hindi umabot sa pagamutan dahil naipit sa traffic ang ambulansiyang magdadala sa hospital. (Aileen Taliping)