Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte hindi pulis o NBI agent – Malacañang

0 146

Sinopla ng Malacañang ang mga grupong humihiling na aksiyonan ang hindi otorisadong pagpapabakuna ng kolumnistang si Ramon Tulfo.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi na konektado sa gobyerno si Tulfo kaya malaya nitong gawin ang anomang naisin bilang pribadong mamamayan.

Wala aniya sa posisyon si Pangulong Rodrigo Duterte para gumawa ng hakbang kaugnay sa pagpapabakuna ng dating Special Envoy to China.

“The President is not in position to compel him to do anything, the President does not have subpoena powers,” ani Roque.

Bahala na aniya ang National Bureau of Investigation (NBI) o kaya ay ang pulis na mag-imbestiga kung may dapat imbestigahan kay Tulfo sa pagpapaturok nito ng COVID-19 vaccine na wala pang basbas ng Food and Drug Administration (FDA).

“The President is a President, not a policeman, not an NBI agent. We leave that to the police and to the NBI,” dagdag ni Roque.

Nauna rito, inamin ni Tulfo na naturukan na siya ng bakunang mula sa China at ibinunyag na marami na rin sa mga opisyal ng gobyerno ang naturukan na rin ng COVID-19 vaccine kahit wala pang inilabas na clearance ang FDA para gamitin ang partikular na bakuna.(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.