Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte hinirit sa UN: Bakuna para sa lahat

0 355

Inaasahang isusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagdalo sa United Nations (UN) General Assembly on COVID-19 Pandemic ang bakuna para sa lahat ng bansa.

Nakatakdang magsalita ang Pangulo Huwebes ng gabi (oras sa Pilipinas) sa pamamagitan ng virtual meeting sa special session ng UN General Assembly na matatapos ngayong Biyernes.

SM food to go Banner Ad

Batay sa inilabas na abiso ng Malacañang, ang global solidarity ang pangunahing igigiit ni Pangulong Duterte para makasigurong lahat ng mga bansa, mayaman man o mahirap, ay magkaroon ng pagkakataon na makakuha ng bakuna kontra COVID-19.

Inaasahang ilalatag din ng Pangulo sa UN General Assembly ang universal access sa COVID-19 technology at ang katiyakan na mapaglaanan ng bakuna ang mga papaunlad pa lamang na mga bansa. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.