Abante Tonite Interactive

Duterte ibebenta ang kaluluwa kay Satanas para sa mga OFW

7,215

Nakahanda si Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte na ibenta ang kaluluwa kay Satanas para makalikom ng salapi at tulungan ang mga manggagawang Pinoy na nakaranas ng kalupitan sa kanilang mga employer sa Kuwait.

Sa ginanap na mass oath taking sa Malacañang, sinabi ng Pangulo na handang i-subsidize ng pamahalaan ang pangangailangan ng mga uuwing overseas Filipino worker (OFW) mula sa Kuwait matapos ipag-utos ang repatriation ng mga ito.

Sinabi ng Pangulo na galit na galit siya sa ginawa ng mga dayuhan sa mga manggagawang Filipino at hindi niya hahayaang maulit ang karanasan ng mga ito sa malupit na mga Kuwaiti employer.

Ipinakita pa ng Pangulo sa mga bisita ang larawan ng mga Pinay na dumanas ng kalupitan sa mga Kuwaiti tulad ng pisikal na pang-aabuso, panggagahasa at pagtratong parang hayop.

“They can come home and we will have to support them. Ubusin natin itong pera natin na ito. Hindi naman ito atin, it belongs to the people, oh ‘di we will subsidize them. You come home and I will sell my soul to the devil to look for money so they you come home and live comfortably.

Hindi na kaya ng katawan eh, abused and mentally drained that is why I’m trying to come up with a peaceful solution,” anang Pangulo.

Sinabi pa ng Punong Ehekutibo na hindi niya maubos maisip kung ano ang ginawa ng mga Filipino sa mga Kuwaiti para gawin ang matinding pananakit at karumal-dumal na pagpatay sa mga manggagawang Pinoy.