Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte inaasahan na mga kaso:`Mag-VP ako para may immunity’

0 71

Hindi makukuha sa pananakot ng mga kritiko si Pangulong Rodrigo Duterte na ididemanda siya pagkatapos ng kanyang termino.

Sa kanyang talumpati sa national assembly ng PDP-Laban na ginanap sa Clark, Pampanga, mistulang binuska ng Pangulo ang mga kritiko nito partikular sina dating senador Antonio Trillanes IV at dating Supreme Court (SC) Associate Justice Antonio Carpio.

Mayroon aniyang immunity laban sa demanda ang presidente at bise presidente kaya para hindi siya masampahan ng kaso ng dalawang kritiko ay tatakbo na lamang siya sa vice presidential election sa 2022.

“They keep on threatening me with lawsuits and everything, Trillanes and itong si Carpio and his elk, panay ang takot sa akin na mademanda. Sabi ng batas kung presidente ka, bise-presidente ka may immunity ka. Eh tatakbo na lang ako ng bise presidente. And after that tatakbo uli ako ng bise presidente at bise presidente at bise presidente,” sabi ng Pangulo.

Binigyang-diin ni Pangulong Duterte na kahit kailan ay hindi siya maipakukulong ng mga kritiko.

“Itong mga hole in the head panay ang takot sa akin, itong si Trillanes, akala mo na naman nagsasalita siya ng ordinaryong tao. You know I’m a lawyer and they can never acquire jurisdiction over my person, not in a million years,” dagdag ng Pangulo. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.