Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte inalok ng amnestiya MILF, MNLF, iba pang armadong grupo

0 36

Nag-alok ng amnestiya ang si Pangulong Rodrigo Duterte para sa iba’t ibang armadong grupo sa bansa.

Nakapaloob ito sa proclamation numbers 1090, 1091, 1092 at 1093 na pirmado ng pangulong nitong Pebrero 5. Kabilang sa mga grupong maaaring mabigyan ng amnestiya ang Moro Islamic Liberation Front (MILF), Moro National Liberation Front (MNLF), Rebolusyonaryong Partido ng Manggagawa ng Pilipinas, Revolutionary Ploretarian Army, at Alex Boncayao Brigade Communist Terrorist Group.

Layunin nito na maisulong ang pagkakaisa at magbalik-loob sa gobyerno ang mga rebelde. Maaari umanong mag-apply ng amnestiya ang mga miyembro ng nabanggit na mga armadong grupong nakagawa ng kasalanan o nakagawa ng paglabag sa batas dahil sa paniniwalang politikal.

Kasama rin sa mga maaaring mag-apply ng amnestiya ang mga kasalukuyang nakakulong, nakasuhan o nahatulan ng rebelyon, conspiracy and proposal to commit rebellion or insurrection, disloyalty of public officers and employees, inciting to rebellion or insurrection, inciting to sedition, illegal assembly, direct assault, indirect assault at iba pa. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.