Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte inaprub mga hakbang vs online child sex abuse

0 90

Pinaboran ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga inilatag na rekomendasyon ng Department of Justice para sa pagdurog sa online child exploitation sa bansa.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, kabilang sa rekomendasyon ang maglabas ang pangulo ng isang executive order na magpapalakas sa kooperasyon ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT), Inter-Agency Council Against Child Pornography at iba pang may kaugnayang ahensiya.

Inirekomenda rin ni Guevarra na sertipikahang ‘priority’ ang pagpasa sa mga panukala na mag-aamiyenda sa Anti-Trafficking In Persons Act upang maalis ang human trafficking, partikular na ang sexual exploitation sa mga bata, sa mga probisyon ng Anti-Wiretapping Law.

Dagdag ni Guevarra, inaprubahan din ni Pangulong Duterte ang dagdag na tauhan at pondo ng IACAT. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.