Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte inaprub na Fernando Poe Jr Avenue

0 123

Pormal nang pinalitan ang pangalan ng Roosevelt Avenue sa Quezon City at tatawagin na itong Fernando Poe Jr. Avenue.

Nakapaloob ito sa Republic Act No. 11608 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan ay ipinangalan ang kahabaan ng naturang lansangan sa kinilalang hari ng pelikulang Pilipino o kilala rin sa palayaw na `Da King’.

Sa Roosevelt Avenue ang bahay ng pamilya ni FPJ kung saan ginugol ang kanyang pagkabata.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pinirmahan ni Pangulong Duterte ang batas noong Enero 10, 2022

Nagpasalamat naman si Senador Grace Poe na ganap nang naging batas ang pagpapalit ng pangalan ng Roosevelt Avenue para sa kanyang ama.

Hindi lumahok si Po nang pagbotohan sa Senado ang nasabing batas dahil sa conflict of interest’. (Aileen Taliping/Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.