Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte inaprub night differential sa gobyerno

0 91

Makakatanggap na ng night differential pay ang mga kawani ng gobyerno.

Pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11701 noong Abril 13 na nagbibigay ng night shift differential pay sa mga mangagagawa ng gobyerno na nagtatrabaho mula alas-sais ng gabi hanggang alas-sais ng umaga.

Kabilang sa mga kuwalipikadong makatanggap ng night shift differential pay ay mula division chief pababa kabilang na ang mga nagtatrabaho sa government-owned and controlled corporation, permanente man o contractual, temporary o casual.

Batay sa probisyon ng bagong batas, babayaran ang mga kawani ng gobyerno ng night shift differential sa halagang hindi lalagpas sa 20% ng basic pay rate kada oras.

SM food to go Banner Ad

Hindi kasama sa mga mabibigyan ng night shift differential pay ang mga empleyado ng gobyerno na “on call” ang serbisyo katulad ng mga sundalo, pulis, jail personnel, bumbero at iba pang kahalintulad na ahensiya na tutukuyin ng Civil Service Commission at Department of Budget and Management.

Samantala, ikinatuwa naman ni Senador Ramon `Bong’ Revilla Jr. na ganap nang batas ang panukala na kanyang inakda sa Senado.

Sinabi ng senador sa isang pahayag na inamiyendahan din ng RA 11701 o Act Granting Night Shift Differential Pay to Government Employees, ang RA 7305 o Magna Carta of Public Health Workers na nagtatakda lamang sa 10% ng kanilang regular wage bilang night shift differential pay. (Aileen Taliping/Prince Golez/Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.