Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte inaprub P20K ayuda sa mga pensiyonado

0 443

Inutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ng one-time P20,000 cash assistance ang mga manggagawang pensiyonado sa ilalim ng Employee’s Compensation Commission (ECC).

Nakapaloob ito sa Administrative Order No. 39 na pinirmahan ng Pangulo nitong Lunes, Abril 19.

Ang one-time financial assistance para sa mga pensiyonado ng ECC ay pakikinabangan ng mahigit 31,000 miyembro ng Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS).

“The ECC is hereby authorized to grant one-time financial assistance of P20,000 to EC pensioners permanent partial disability, permanent total disability and survivorship in the private and public sectors, subject to the availability of funds and pertinent laws, rules and regulations,” nakasaad sa kautusan ng Pangulo.

Ibibigay ang ayuda sa harap na rin ng naging epekto ng pandemya sa ekonomiya ng bansa at patuloy na paglaban sa COVID-19. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.