Duterte inatras face-to-face class

Binawi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang utos na payagan ang face-to-face classes sa mga piling lugar sa bansa dahil sa bagong COVID-19 strain na unang iniulat sa United Kingdom.
“With the new strain, whether it’s true or not, `yong order ko noon kay [Department of Education Secretary Leonor] Briones that she can – I’m calling back the order and I will not allow face-to-face classes for the children until we are through with this,” sabi ng Pangulo.
Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa pinatawag na pulong Sabado ng gabi sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) at ilang infectious disease expert.

Sabi ng Pangulo, hindi niya hahayaang malagay sa panganib ang mga kabataan kung kaya’t nagpasyang ikansela ang pilot test para sa face-to-face classes sa mga piling lugar sa bansa pagpasok ng Enero 2021.
“I cannot take the risk of allowing the children [have face-to-face classes]. That would be a disaster, actually. Be mindful of that, I am canceling the order I gave a few weeks ago,” pahayag ng Pangulo.
Ayon kay Pangulong Duterte, mananatili ang kanyang bagong desisyon hanggang sa malaman ng mga eksperto sa kalusugan ang tungkol sa bagong COVID-19 strain na tinawag na “B.1.1.7”.
“We have to know the nature of the germ that we are confronting. Wala pa tayong alam,” aniya pa. (Issa Santiago)