Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte inawat paglabas ng mga 10-anyos

0 222

Binawi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naunang desisyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) na payagang makalabas ng bahay ang mga batang 10-anyos pataas sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ).

SM food to go Banner Ad

Sinabi ng Pangulo sa kanyang mensahe sa bayan Lunes ng gabi na dahil sa mga naitalang kaso ng UK variant ng COVID-19 sa ilang bahagi ng bansa, hindi na muna papayagang makalabas ng bahay ang mga batang edad 10 hanggang 14-anyos.

“Napilitan akong i-reimpose `yong 10 to 14. Not at this time. Balik ho kayo sa bahay muna. Pasensiya na po kayo. Mine is just precaution, takot lang ako kasi itong bagong strain strikes the young children,” sabi ng Pangulo.(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.