Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte, Inday Sara top 1 sa survey

0 181

Nagpasalamat ang Malacañang sa patuloy na suporta ng taumbayan kay Pangulong Rodrigo Duterte at anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Ito ay matapos lumabas sa survey ng OCTA Research na nangunguna ang mag-ama sa presidential at vice presidential survey na ginawa nitong July 12-18 at 28% ng mga Pilipino ay suportado ang pagtakbo ng mga ito sa 2022 elections.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nagpapasalamat ang Palasyo sa patuloy na tiwala ng publiko at suporta ng mga ito kina Pangulong Duterte at Mayor Sara.

“Nagpapasalamat po kami sa patuloy na tiwala ng ating taumbayan sa ating Presidente at kay Mayor Sara Duterte. Malinaw po iyan na hindi natin maiiwasan na ang talagang suporta kay Mayor Sara ay pagsuporta rin sa ating Presidente,” ani Roque. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.