Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte ipa-pardon 1K MILF member

0 35

Nasa 1,000 miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang pagkakalooban ng amnestiya ni Pangulong Rodrigo Duterte, ayon sa isang opisyal ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Bahagi umano ito ng panghihimok sa mga rebelde na bumalik sa pagka-sibilyan, ayon kay BARMM Interior Minister Naguib Sinarimbo.

Sa amnestiya nabubura ang kriminal na pananagutan at nagbabalik sa political rights ng isang tao kabilang ang karapatang bumoto o iboto.

Kamakailan, nang igawad ng pangulo ang amnestiya sa ilang miyembro ng grupo na nakagawa ng krimen para sa politikal na paniniwala.

Kabilang sa nabigyan ng amnestiya ang mga miyembro ng Moro National Liberation Front, Rebolusyonaryong Partido ng Manggagawa–Pilipinas/Revolutionary Proletarian Army/Alex Boncayao Brigade Tabara Paduano Group at Communist Terrorist Group. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.