Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte ipakukulong mga senador `pag kinasuhan gabinete

0 63

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na ipakukulong ang mga senador kapag hindi tinigilan ang mga miyembro ng gabinete sa aniya’y walang katapusang pag-iimbestiga ng Blue Ribbon Committee.

Sa kanyang Talk to the People, binilinan ng Pangulo ang kanyang mga gabinete na huwag hayaang mabastos at sigaw-sigawan ng mga senador lalo na kay Senador Richard Gordon.

Pare-pareho lamang aniya silang mga nagtatrabaho sa gobyerno at kapag i-cite for contempt sila matapos pagbawalang dumalo ay siya ang magpapakulong sa mga ito.

SM food to go Banner Ad

“`Wag ninyong hayaan na si Gordon o mga senador na magsigaw-sigaw sa inyo. Pareho lang tayo sa gobyerno. `Pag i-cite kayo ng contempt, `pag malaman ko, ang ikulong ko ang mga senador,” sabi ng Pangulo.

Pero nilinaw ni Pangulong Duterte na hindi siya nakikipag-away sa Senado, bagkus ay nagpapaalala lamang dahil ayaw niya ng gulo sa harap ng walang tigil na imbestigasyon ng komite ni Gordon.

“I am giving this warning to the Senate. Ayaw ko ng gulo,” dagdag ng Pangulo. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.