Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte kabado sa natsuging 4 San Beda classmate

0 136

Nagpahayag ng pagkabahala si Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa apat niyang kaklase sa San Beda College of Law batch 72 na nasawi, kaya naman kailangan na umano niyang magpaturok ng bakuna kontra COVID-19.

Gayunman, hindi direktang sinagot ng Malacañang ang tanong kung nagpaturok na ng COVID vaccine ang pangulo.

Nilinaw ni Presidential Spokesman Harry Roque na walang sinabi ang pangulo na tapos na siyang magpabakuna, gusto lang umano nitong magpaturok ng vaccine dahil nananatili ang banta ng COVID-19 sa bansa.

“Wala po siyang sinabing tapos na siyang magpabakuna. Ang sinabi po niya gusto niyang mabakunahan at ito po ‘yung konteksto noong naunang sinabi ng Presidente,” ani Roque. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.