Abante Tonite Interactive

Duterte: Kalokohan ng mga pari inamin ni Pope Francis

By
229

Ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na mismong si Pope Francis na aniya ang nagbunyag sa ginagawang kalokohan ng mga pari sa mga babae.

Sinabi ito ng Pangulo sa kanyang talumpati sa Peace and Order Summit for Barangay Officials na ginanap sa Legazpi City, Albay kagabi.

Ayon sa Pangulo, nasa Dubai ang Santo Papa at inaming ang mga madre ang ginagawang parausan ng nga pari.
“The Pope is in Dubai, he admitted yesterday na ‘yung mga madre, ‘yun ang konsumo ng mga pari. Really,” anang Pangulo.

Noon pa umano niya sinasabi ang kabulukan ng mga alagad ng simbahan at kailangang ireporma ito bago pa tuluyang mawasak ang institusyon.

Ikinuwento rin ng Pangulo sa mga Bicolano ang naging karanasan nito at mga kaklase noong nag-aaral pa ito kung saan habang pinagkukumpisal ng mga pari ay hinihipuan sila ng mga ito.

“Hindi ako nagpapatawa and I will not joke or crack a joke about that. Sinasabi ko na sa inyo eh. The Church has to reform,” anang Pangulo.

Hinimok din ng Pangulo ang mga Bicolano na basahin ang dalawang kontrobersyal na libro patungkol sa mga eskandalo sa Simbahang Katolika at kapag nabasa na aniya ang mga ito ay saka sabihin sa kanya kung nagsasabi ba siya ng totoo o gumagawa lamang ng istorya laban sa ilang mga alagad ng Simbahan.