Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte kay Cascolan: Drug war ituloy

0 87

Tatlong mahahalagang bagay ang marching order ni Pangulog Rodrigo Duterte kay bagong Philippine National Police Chief Lieutenant General Camilo Cascolan.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kabilang dito ang pagtataguyod sa integridad ng rule of law, paglilinis sa hanay ng PNP sa katiwalian at ituloy ang paglaban sa mga sangkot sa illegal drug trade.

Sinabi ni Roque na kaya dinoble ng Pangulo ang sahod ng pulis at militar ay upang hindi na maisip ng mga ito na gumawa ng katiwalian.

“Well to the PNP Chief of course, number one is to maintain…to uphold integrity of the rule of law as far as the PNP is concerned, number two, rid its rank of corruption and number three, sustain the gains of the drug war,” ani Roque.
Malayo na aniya ang narating ng kampanya laban sa illegal na droga kaya nais ng Pangulo na magtuloy -tuloy ang tagumpay laban sa nga sangkot sa illegal drug trade sa bansa.(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.