Abante Tonite Interactive

Duterte kay Gamboa: Sindikato sa droga durugin, PNP linisin

550

Inihayag ni Philippine National Police (PNP) Director General Archie Gamboa na maraming direktiba sa kanya si Pangulong Rodrigo Duterte subalit pangunahin dito ang pagdurog sa mga sindikato ng droga sa bansa at paglilinis sa hanay ng mga pulis.

Sinabi ito ni Gamboa matapos manumpa sa Pangulo na isinabay sa pagbisita nito sa mga sinalanta ng pagputok ng Bulkang Taal sa Batangas nitong Lunes nang hapon.

“Marami siyang directive but generally if we compress it, it will deal with the two issues na sinabi ko na, vigorous anti-drug campaign and then cleansing the PNP,” ani Gamboa. (Aileen Tali­ping/Prince Golez/PNA)