Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte kay Gordon: Sisirain kita sa 2022

0 154

Hindi gugustuhin ni Pangulong Rodrigo Duterte na manalo muli si Senador Dick Gordon sa 2022 national elections kaya kakampanya ito laban sa senador.

Sa kanyang ‘Talk to the People’, sinabi ng Pangulo na hindi angkop na maging senador muli si Gordon dahil sa inaasal nito sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee na umano’y pinapahiya sa publiko ang mga iniimbitahan sa hearing.

“I would just like to remind you Senator Gordon na I will campaign against you for being unfit to be a senator of this Republic,” anang Pangulo.

Nagpupumilit aniyang maging Amerikano ang senador gayong hindi naman ito totoong Amerikano.

Sinita ng Pangulo ang Senador sa hilig nitong magpatawag ng maraming opisyal sa kanyang hearing subalit hindi naman naisasalang ang lahat ng mga ito.

Nasasayang umano ang panahon ng mga opisyal sa ehekutibo dahil sa halip na magtrabaho ay nauubos ang oras sa paghihintay sa imbestigasyon nito sa senado.

“Tama ba ‘yang ginagawa mo? I mean, are you crazy? Bakit ganoon? Can you not approximate the time that you would take to make these persons testify, question and answer?” dagdag ng Pangulo.

Tapos na aniya para sa Malacañang ang imbestigasyon dahil ginagamit na ng gobyerno ang mga medisina at kagamitang binili para sa COVID-19 at walang napatunayang ibinulsa o ninakaw ang COVID funds. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.