Abante Tonite Interactive

Duterte kay Pangilinan: ‘Di ka dapat naging senador!

By
0 135

Muling binira ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan dahil sa batas nito na nagbigay aniya ng lakas na loob sa mga kabataan na gumawa ng krimen.

Ayon sa Pangulo, maituturing na “disservice” si Pangilinan sa Senado dahil sa kanyang inakda na Juvenile Justice and Welfare Act of 2006.

Si Pangilinan aniya ang dahilan kung bakit nagdurusa ang mga Pilipino ngayon mula sa mga batang gumagawa ng krimen.
Ayon sa Pangulo, ang Pangilinan Law ang ­dahilan kung bakit malakas ang loob at hindi ­natatakot ­gumawa ng krimen ang mga menor de edad pero hindi naman pinapanagot sa batas ang mga ito.

Abante Hiring – IT dep

“`Yan ang sinisisi ko. The greatest disservice ang ginawa diyan sa mga senador — Pangilinan. He should not belong in the Senate. It was a very fatal… Kaya tayo nagdudusa ngayon. Nakikita mo `yung mga bata na kung anong gawain, tatakbo? Mahuli, i-release. And that is why we talk now about education,” anang Pangulo.

Kaya para sa Pangulo, hindi dapat na mapabilang sa Senado si Pangilinan kahit may tinatanaw siyang utang na loob dito noong siya’y alkalde pa lamang ng Davao dahil ipinakiusap niya na mag-dinner ang kanyang anak na si Mayor Sara Carpio-Duterte at asawa nito na si Sharon Cuneta sa birthday nito noong high school pa ang anak. ­