Abante Tonite Interactive

Duterte kay Trillanes: 16 lang ang IQ mo!

1,063

Muli na namang ininsulto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang intelligence quotient o IQ ng kanyang numero u­nong kritiko na si Senador Antonio Trillanes IV.

Sa kanyang speech sa 49th Charter Day ng Mandaue City, sinabi ni Duterte na 16 lang ang IQ ng dating Navy officer.
Noong Lunes, sinabi ni Duterte na nakakapagtakang nakapagtapos sa Philippine Military Aca­demy (PMA) si Trillanes gayong mababa ang IQ nito bukod sa masama ang ugali at bibig nito.

Hinamon naman ni Trillanes si Duterte sa IQ test at nakahanda siyang magbitiw kung mapatunayang mas matalino ang Pangulo sa kanya.

Sabi pa ng senador, ang pagkabigo diumano ni Duterte na solus­yunan ang mga problema ng bansa ay patunay na mababa ang IQ nito.

Si Trillanes ay masugid na kritiko ng kontrobersiyal na war on drugs ni Duterte gayundin ang polisiya nito sa pinag-aagawang South China Sea.