Abante Tonite Interactive

Duterte kay Trillanes: Nanay mo nakinabang sa Navy

By
2,238

Inakusahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga magulang ni Senator Antonio Trillanes IV na nakinabang din sa supply transactions sa Philippine Navy noong nasa serbisyo pa sa militar ang kanyang ama.

Inihayag ito ng Pangulo sa tete-a-tete nila ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa Malacañang kung saan sinagot nito ang maraming isyu pati na sa isyu kay Trillanes.

Ayon sa Pangulo, tina-target ngayon ng senador ang kanyang presidential assistant na nakinabang umano ang ama at half-brother sa mga transaksiyon sa gobyerno pero hindi nito alam na ang nanay nito ay mayroong transaksiyon sa supply sa Navy.

“…There was a time  in the Navy’s  history… kayong mga sundalo bilib man kayo kay Trillanes ‘di pumunta na kayo roon, ang tatay niya, nasa serbisyo pa, siya sundalo na siya, ang transaksiyon karamihan sa supply sa Navy ang nanay niya, kung ayaw niyong maniwala, tanungin niyo ang Navy,” anang Pangulo.

Inakusahan din ng Presidente si Trillanes na corrupt at makikita ito sa magarbong pamumuhay ng senador na aniya ay maraming bahay pero sikreto lang.

“Ang una talaga is the lifestyle. Hindi makahintay. Kapitan ka then suddenly you have a big house in subdivision, three cars, like Trillanes. Maraming bahay tapos sikreto lang,” dagdag pa ng Pangulo.

Higit sa isang oras sumalang sa live interview ang Pangulo kung saan tinanong din ito ni Panelo tungkol sa inflation, rice supply, federalism at TRAIN Law subalit laging bumabalik ang sagot sa mga banat kay Trillanes.