Abante Tonite Interactive

Duterte kinantiyawan lang ang Gilas – Go

394

Nagbiro lang umano si Pa­ngulong Rodrigo Duterte nang sabihin noong Martes nang gabi na matatalo ang Gilas Pilipinas kontra Italy sa 18th World Cup sa China sa Agosto 31-Setyembre 15.

“Problema unang kalaban natin Italy. Wala, talo tayo, walang laban,” sabi ng Punong Ehekutibo sa oath-taking ng Filipino-Chinese businessmen sa Malacañang Palace.

“We will lose dito sa Italya. Ang lalaki kaya niyang mga %@#$ ‘yan,” sabi pa niya.

Pero paglilinaw ni Senator Christopher Lawrence ‘Bong’ Go, biro lang ito ng Pangulo. Katuna­yan aniya, magtsi-cheerleader pa ito para sa Gilas sa laban kontra Italy.

“Gusto niya (Duterte) panoorin ang laban natin kontra Italy dahil importante ito sa kailangan nating dalawang panalo para makapasok tayo sa sunod na round,” esplika ni Go, kahapon, sa pinatawag na Senate Committee on Sports hearing sa Pasay na nakatuon sa pagbalangkas sa Resolution No. 13 ng bago ring halal na Sen. Francis Tolentino.

“Napagkuwentuhan nga namin na huwag na natin isipin ang Serbia dahil talagang malakas pero dito sa Italy ay mas tsansa tayo kaya gusto niya manood.”

Nasa Group D ang Gilas Pilipinas at makakatapat ang mga Angola, Italy at Serbia.

Nasa training camp sa kasalukuyan ang Gilas Pilipinas kung saan tinalo, Martes nang gabi (Miyerkoles sa Pilipinas), sa kanilang European training camp ang Congo, 102-80. (Lito Oredo)