Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte kinasa na sa pagtakbong VP

0 595

Pinagtibay ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) ang isang resolusyon na humihikayat kay Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo para sa pagka-bise presidente sa 2022 national elections.

Inaprubahan ng partido ang resolusyon national council meeting na ginanap sa Cebu.

Sabi ni PDP-Laban VP for external affairs Raul Lambino, na siyang nagsulong para mapagtibay ang resolusyon, nakatanggap umano ang national council ng maraming petisyon mula sa iba’tibang local government unit na nagsusulong na tumakbo si Pangulong Duterte sa vice presidential election sa 2022.

Nakasaad sa resolusyon na kumbinsihin si Pangulong Duterte, bilang party chairman, na tumakbo sa pagka-bise presidente. Binigyan din ito ng kapangyarihan para piliin kung sino ang nais niyang running mate sa pagka-presidente.

Agad inaprubahan ng PDP-Laban national council ang mosyon ni Lambino.

Samantala, hindi sinunod nina Senador Ronald `Bato’ dela Rosa at Senador Francis Tolentino ang panawagan ni Senador Manny Pacquiao na huwag dumalo sa national party assembly.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ito’y matapos tawagin ang pangalanan ng dalawang senador sa roll call ng mga miyembro ng partido na dumalo sa pagtitipon sa pamamagitan ng Zoom.

Ayon kay Dela Rosa, hindi sila nakabiyahe sa Cebu para dumalo sa assembly pero nakadalo naman sila sa Zoom.

Subalit hindi umano sila nagtagal dahil kailangan nilang dumalo naman sa plenary session ng Senado.

Noong Mayo 27, nanawagan si Pacquiao sa mga kapartido na isnabin ang panawagan ni Energy Secretary Alfonso Cusi, vice chairman ng PDP-Laban, na national assembly dahil hindi umano sanctioned ng partido.

Subalit noong Linggo, inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na inatasan ni Pangulong Duterte si Cusi na magtipon ang partido para sa isang national assembly. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.