Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte kokonsulta rin sa mga ex-president

0 307

Ikinukonsidera umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipatawag ang mga dating lider ng bansa para pag-usapan ang mainit na isyu sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nabanggit ito sa kanya ng Pangulo pero pinag-aaralan pa dahil sa kanyang naging karanasan na wala namang nareresolba batay sa kanyang mga naging karanasan sa pagdalo sa National Security Council meeting.

“Pero ang tingin po niya, iyong mga karanasan niya sa National Security Council eh walang resolusyon na nangyayari, so parang bakit pa eh puwede naman po iyan through informal consultations,” ani Roque.

Pero kung sakali aniyang kailangang magpatawag ng NSC meeting, sinabi ni Roque na planong imbitahin ni Pangulong Duterte ang mga dating presidente at ilang mga personalidad para mapag-usapan ang usapin sa West Philippine Sea. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.