Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte, Kongreso kinalampag vs vape bill

0 58

Ipinababasura ng mga doctor ang vape bill na nakahain ngayon sa Senado at Kamara dahil pahihinain nito ang mga regulasyon sa pagbebenta at paggamit ng vapes, e-cigarette at iba pang katulad na produkto.

Isinulong ng may 100 doktor na mga miyembro ng iba’t ibang medical society sa bansa ang panawagang “Junk the Vape Bill” sa isang pulong balitaan na ginawa kamakailan kasama na rito ang mga grupong Philippine Medical Association, Philippine College of Physicians, Philippine Pediatrics Society, Child Neurology Society of the Philippines, Asia-Pacific Center for Evidence-Based Healthcare, Philippine Heart Association at Philippine College of Chest Physicians.

Nanawagan din ang mga doktor kay Pangulong Duterte na i-veto ang vape bill sakaling maaprubahan ito ng Kongreso at makarating sa Malacañang

Sinabi ni Dr. Maricar Limpin, presidente ng Philippine College of Physicians, mistulang nilulusaw ng vape bill ang mahigpit na regulasyon na nakasaad sa Sin Tax Reform Act na noon lamang nakaraang taon isinabatas.

Leave A Reply

Your email address will not be published.