Abante Tonite Interactive

Duterte kuntento sa preparasyon sa bagyong Ompong

By
201

Kuntento si Pangulong Rodrigo Duterte sa inilatag na preparasyon ng mga ahensiya ng gobyerno sa katatapos na command conference sa headquarters ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa Kampo Aguinaldo.

Sinabi ng Pangulo na naintindihan nito ang punto ng bawat ahensiya at natalakay naman ang mga maliliit na detalye para sa pag-alalay sa mga mamamayang posibleng maapektuhan ng bagyong Ompong.

“Yes I have been briefed and I did away my speech because it was all motherhood. The nitty gritty was already discussed so I could understand already the apparatus ­being placed there in the meantime waiting for the crisis to happen because every typhoon is always a crisis,” anang Pangulo.

Abante Hiring – IT dep

Masyado pa aniyang maaga para sa posiblidad na paghingi ng tulong sa international community dahil hindi pa naman mabatid kung hanggang saan ang magiging lawak ng pinsala ng bagyong Ompong na sinasabing isa sa pinakamalakas na bagyo ngayong taon.

“Wala pa it could depend on the seve­rity of the crisis. If it flattens everything maybe we need to have some help, and if there are countries who are well-meaning… pero wala pa naman, it’s too early to speculate,” dagdag pa ng Pangulo.

Sa command conference ay iniutos ni Pangulong Duterte sa NDRRMC na magkaroon ng iisang linya ng komunikasyon, partikular ang ginagamit na radio communications ng militar para hindi maging magulo ang paghahatid ng mga impormasyon.