Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte lumutang na!

0 490

Matapos ang halos dalawang linggo na hindi nagpapakita sa publiko ay lumutang na rin si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang regular na `Talk to the People’ na ginanap nitong Lunes ng gabi sa Malacañang.

Pinatunayan ng Pangulo sa kanyang paglutang na malakas siya sa kabila ng kanyang edad.

Matatandaang kumalat ang mga espekulasyong may sakit si Pangulong Duterte dahil sa isang ulat na inatake umano ito ng mild stroke.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Mariing pinabulaanan ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar ang naturang ulat na tinawag nitong fake news.

Maging si Presidential Spokesperson Harry Roque sinabi na maayos at nasa mabuting kundisyon ang kalusugan ng Pangulo.

Huling nagpakita ang Pangulo sa publiko noong Marso 29.

Leave A Reply

Your email address will not be published.