Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte maglilibot kahit may COVID pa

0 330

Nakatakdang bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa ilang lugar sa bansa ngayong weekend para personal na makita ang sitwasyon ng mamamayan habang mayroong krisis sa COVID-19.

“Ang alam ko mayroong mga naka-schedule na mga aktibidades ang Presidente but for security reasons, hindi po puwedeng ianunsyo,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque.

Hindi rin kinumpirma ni Roque kung kasama sa paglilibot ng Pangulo ang pagbiyahe sa Jolo, Sulu kung saan apat na miyembro ng Philippine Army ang napatay ng mga pulis kamakailan.

Samantala, kinumpirma rin ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang nakatakdang paglilibot ng Pangulo pero hindi tinukoy kung kasama dito ang pagbiyahe sa Sulu.

Matatandaang noong Martes ay inihayag ni Pangulong Duterte na bibisita siya sa ilang lugar sa bansa dahil hindi magandang tingnan na nandoon lang siya sa kanyang opisina sa tabi ng Pasig River. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.